Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grab driver dinampot sa shabu

0 64

Nalambat ng mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) ng Marikina Police ang isang Grab driver matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation at makuhanan umano ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Bernard Figueroa, 22-anyos, nahaharap sa kasong pag­labag sa RA 9165.

Inaresto ang suspek bandang alas-11:50, Miyerkoles ng gabi, sa Haiti St., Brgy. Concepcion Uno, matapos magsagawa ng buy-bust ang mga tauhan ng Marikina-SDEU, 2nd MFC at RMFB makaraang maganap ang transaksiyon sa pagbili ng droga sa pagitan ng suspek at pulis na umaktong buyer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakumpiska umano mula sa suspek ang walong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400, isang Yamaha Mio I 125 MV File number 1303-0167789 at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.