Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grab driver kalaboso sa pagdeliber ng shabu

0 160

Arestado ng mga operatiba ang isang armadong Grab driver nang magdeliber ng shabu sa ‘buy-bust’ operation sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Police Brig. General Danilo P Macerin ang naarestong grab driver na si Lucman Manamparan, 43, taga-Quiapo, Manila.

Sa report ni Batasan Police Station (PS 6) commander, PLt. Col. Romulus Gadaoni, isinailalim sa surveillance ang suspek at nang makumpirma ang iligal nitong aktibidades ay kinasa ang operasyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alas-11:00 ng gabi (December 18), nang isagawa ng drug bust kay Manamparan sa Commonwealth Ave., malapit sa Kasunduan St., Brgy. Commonwealth, QC.

Isang pulis ang tumayong buyer at habang iniaabot ang P11,000 bayad sa inorder na shabu ay nakatunog ang grab driver na parak ang katransakyon kaya mabilis na pinasibad ang kaniyang motorsiklo habang binabaril ang mga operatiba na humabol sa kaniya.

Nakorner ang suspek sa Commonwealth at nasamsam ang 12.5 gramo ng shabu na nagkakahalagang P85, 000.00, 2 cellphone, pulang Sedan Hyundai Accent (K1E230), at caliber .38 revolver na may lamang mga bala. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.