Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grab driver, kasabwat huli sa QC buy-bust

0 374

Nadakma ng mga aw­toridad ang Grab driver at ang kasabwat nito matapos kumagat sa buy-bust operation sa Quezon City, Mi­yerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ni Quezon City Police District Director P/ Brig. Gen. Antonio Yarra ang mga naarestong sina Vin­cent Valenzuela, 30, Grab driver, residente ng Pililla, Rizal, at Lakimuddin Aran II, 41, electrician, ng Baran­gay Maharlika Village, QC.

Sa report, bandang alas-3:05 ng madaling-araw nang ikasa ang drug operation ng Masambong Police Station 2 (PS2) sa gilid ng Sogo Hotel sa MRT North Avenue Station, Brgy. Philam ng nasabing lung­sod.

Isang pulis ang tumayong buyer ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang dalawa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sa­chet ng shabu, na may tim­bang na 100 gramo at nag­kakahalaga ng P680,000, at buy-bust money.

Inihahanda na ang ka­song paglabag sa Compre­hensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.