Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grab driver nilambat sa P3M shabu

0 69

Arestado ng mga awtoridad ang isang Grab driver at dalawang kasabwat nito matapos na kumagat sa buy-bust operation at makumpiskahan ng umaabot sa P3.4 milyon halaga ng shabu sa Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni QCPD Director P/Brig General Ronnie Montejo ang mga nadakip na sina Carlos Tuason, 43; Melvin Almario, 38; at Cedric Samson , 41, Grab driver, at pawang mga taga-Makati City.

Batay sa report ng Novaliches Police, alas-otso ng umaga nang ikasa ang drug operation sa gasolinahan na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. San Bartolome. Isang pulis ang tumayong buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P70,000 at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang tatlo.

Nang haluhugin ng mga awtoridad ang sasakyan ng mga suspek na Toyata Vios na may plakang NBV 2258, dito na nakumpiska sa kanila ang 22 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo at boodle money.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.