Abante Tonite Interactive

Grab driver tiklo sa buy-bust

0 125

Arestado ang isang Grab driver matapos malambat sa ikinasang buy-bust operation ng Marikina Police, Martes nang gabi sa Brgy. Nangka, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Benjie Buban y Custodio, 35-anyos, Grab driver, taga-Marikina City at kasama sa listahan ng unified watch list ng barangay at Marikina Police.

Inaresto ang suspek bandang alas-7:00, Martes nang gabi matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng drug enforcement unit nang magbenta ng droga ang suspek sa isang pulis na umaktong buyer at nakipagtransaksyon sa 12th Ave. Block 25, Kabayani Road, Brgy. Nangka, Marikina City.

Nakumpiska mula sa suspek ang 11 piraso ng plastic sachet ng shabu at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)