Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grab driver timbog sa P180K marijuana

0 53

Inaresto ng mga pulis ang isang Grab driver matapos na mahulihan ng marijuana habang dalawa pang tulak ng shabu ang nasakote sa magkasunod na buy-bust operation sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Sa unang buy-bust nadakip ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District ang suspek na si John Kyle Villas, 22-anyos, Grab driver at residente ng UP Diliman.

Base sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi nang ikasa ang buy-bust sa Scout Dr. Lascano corner Scout Torillo sa Barangay Sacred Heart.

Nauna rito, isang concerned citizen ang nag-tip diumano sa mga pulis tungkol sa iligal na gawain ng suspek dahilan upang isasailalim ito sa surveillance bago kinasa ang buy-bust.

Isang pulis ang bumili ng marijuana at nang magkaabutan ay dito na dinakma si Villas.

Nakumpiska sa suspek ang apat na bricks ng marijuana na tumitimbang ng 1.5 kilo at nagkakahalaga ng P180,000, isang cellular phone na gamit umano sa transaksiyon nito, isang motorsiklong Honda Click na may plakang 825UBS at narekober din ang buy-bust money.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.