Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grab ginutom pamilya ng mga rider

0 98

Hindi sinang-ayunan ng isang grupo ng kababaihan ang ginawang pagsuspinde ng Grab sa kanilang mga rider na nasangkot sa isyu ng diskriminasyon diumano sa mga fan ng K-pop group na BTS.

Ayon sa Gabriela, sa halip na suspendihin ay binigyan na lamang dapat ng edukasyon tungkol sa Sexual, Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) ang mga GrabFood rider.

Handa umano ang Gabriela na bigyan ng SOGIE education ang mga driver ng Grab Philippines kasunod ng pagbatikos sa kanila ng mga BTS fan bunsod ng homophobic remark.

“While homophobia and discriminatory remarks are wrong, Grab drivers should not be made sacrificial lambs following the ARMY backlash. The company can embrace inclusivity through SOGIE education, which we are willing to offer for free, instead of imposing suspension for the implicated workers,” sabi ni Gabriela Women’s Party secretary general KJ Catequista.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tama umano ang ginawa ng mga BTS fan na binatikos ang diskriminasyon pero naniniwala si Catequista na mali ang ginawa ng Grab na suspendihin ang mga ito ng limang araw dahil nangangahulugan umano ito na walang kita para sa kanilang pamilya.

Nauna rito ay kumalat ang screenshot ng chat messages ng ilang Grab driver kung saan makikita ang “BTS biot” remark.

Ang McDonald’s ay nagbebenta ng BTS meals at ang Grab Food ang isa sa nagde-deliver nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.