Abante Tonite Interactive

Grab harang sa pamasahe, bulok pa ang serbisyo – PCC

By
2,836

Sinamantala ng Grab ang pagbili sa Uber upang makapagtaas ng pamasahe kahit pangit ang serbisyo dahil sa monopolya o walang ibang kalaban, ayon sa Philippine Competition Commission (PCC).

Dahil dito, sinabi ng PCC, malakas ang batayan nito para usigin ang Grab dahil sa mono­polyong nangyari nang bilhin nito ang Uber lalo na’t 93% ng mga rehistradong transport network vehicle service o TNVS ang kontrolado na nito.

“PCC-MAO finds compelling grounds to take Grab to task for its virtual monopoly of both the driver and customer base after the merger. With the migration of Uber dri­vers to Grab, Grab now holds 93% of TNVS registered vehicles. It also absorbed most of the customer demand previously served by Uber,” sabi ng Mergers and Acquisitions Office ng PCC sa Statement of Concerns na inilathala kahapon (May 28).

Sabi ng PCC, “captive market” ang mga gumagamit ng Grab at Uber at hindi sila inaa­sahang lumipat sa ibang uri ng public transport kahit taasan pa ang pasahe dito.

Dagdag pa ng PCC, tumaas ang pamasahe sa Grab simula nang mawala ang Uber at dumalas ang surge-pri­cing nito. Sa panayam sa mga pasahero, du­malas din ang pagkansela ng mga driver sa biyahe, nagkaroon ang sapilitang kanselasyon ang pasahero at tumagal ang paghihintay ng sasakyan ng mga ­pasahero.