Abante Tonite Interactive

Grab humirit ng dagdag-pasahe

By
1,526

Naghain kahapon ng petition ang transport network company (TNC) na Grab para sa dagdag-pasahe sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa isinagawang hearing kahapon, kabilang sa mga hinihiling ng Grab ang karagdagang P2 per minute na charge sa pamasahe at ang pagpataw ng P60 na base fare mula sa da­ting P40.

Ayon kay ­LTFRB Chairman Martin ­Delgra, hindi pa tiyak kung kailan lalabas ang resolusyon.

Wala naman aniyang epekto ang P10 milyong naging multa ng Grab sa magiging desisyon ng board dahil ang sisilipin dito ay kung may pahintulot ba ang base fare, distant rate at surge na hinihi­ling nila.

Ayon sa opisyal, paplantsahin din nila ang fare structure hindi lamang ng Grab kundi lahat ng TNC at ­pinag-iisipan na rin aniya ng LTFRB ang pagpapatupad ng fare ­matrix sa mga ito, gaya ng ­ipi­natutupad sa public utility vehicles (PUVs).

Anuman ang ­maging desisyon, siniguro ni Delgra na isasaalang-­alang ng ahensya ang interes ng mga ­pasahero.