Abante Tonite Interactive

Grab lumulusot pa

226

Kakaunti ayon sa Grab ang mga sasak­yang bumibiyahe kaya mataas ang pres­yo ng pamasahe.

Ito ang isa sa rason ng Grab kaugnay sa reklamong sobra-sobrang singil sa pa­sahe ng kanilang mga customer.

Sabagay karapatan ng Grab na magdahilan sa ibinabato sa kanilang akusasyon.

Kanya nga lang hindi ko kayang sak­yan ang dahilang ito ng Grab sapagkat sa reklamo ng ating mga kaibigan hindi ganito ang totoong pangyayari.

Ayon sa ilang ri­der ng Grab, kung totoong nagkakaubusan ng Grab car dapat ay matagal ang pag-accept ng booking pero mabilis naman kaya imposible ang palu­sot ng Grab.

Hindi lang isa o dalawa ang nagpatotoo sa atin ng ganitong kalakaran sa Grab kundi marami pa nilang rider kaya dapat ay maimbestigahan ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hindi maaaring basta na lang kagatin ang kanilang palusot.

Huwag din dapat kaligtaan ng LTFRB ang ulat na ipinapasa ng Grab sa kanilang mga driver at rider ang multang ipinataw ng LTFRB at Phi­lippine Competition Commission dahil sa alegasyon ng overpricing.