Abante Tonite Interactive

Grab maniningil ng ₱50 sa nagkansela, no show na pasahero

330

Maniningil na ng P50 ang transportation network company na Grab sa kanilang mga kostumer na magkakansela ng biyahe o no show bilang multa sa bago nitong patakaran.

Paliwanag ng Grab ang naturang penalty ay ipapataw sa mga pasahero na magkakansela, limang minuto matapos makapag-book ng driver. Gayundin sa pasahero na hindi magpapakita sa naturang pick up point na mapagkakasunduan 5 minuto pagdating ng GrabCar booking, tatlong minuto naman para sa GrabShare.

Bukod dito, pansamantalang sususpindihin sa loob ng 24 oras ang account ng pasahero sakaling magkansela ito nang dalawang beses sa bawat oras, tatlong beses sa isang araw o limang beses sa isang linggo.

Papatawan din ng parusa ang mga driver na magkakansela ng booking ng pasahero nang walang kaukulang dahilan o ‘yung mga namimili ng pasahero at destinasyon.

Dinagdag pa ng Grab na ang mga driver ay posibleng ma-lock out sa kanilang platform kung patuloy na magkakansela ng request ng mga pasahero.

Makakakuha ang mga pase­hero ng 30 rewards points sakaling ang mga driver ay magkansela ng trip. Magkakaroon na rin ng tipping feature para makapagbigay ang mga pasahero ng reward sa mga driver.

“Our intention in implemen­ting this new policy is to create a better ride-hailing ecosystem, where both passengers and dri­vers practice the responsible use of the Grab platform,” ani Grab president Brian Cu
Ayon sa Grab nakapagbigay na sila ng impormasyon sa Land Transportation and Franchising and Regulatory Board kaugnay sa bagong cancellation policy. (Riz Dominguez)