Abante Tonite Interactive

Grab rider kinawawa ng S&R-Lucio Co

579

Hindi tinantanan ng mga netizen ang ginawang pang-aapi at diskriminasyon ng isang lady manager ng S&R New York Style Pizza outlet sa Puregold Cubao na pag-aari ni Lucio Co sa isang Grab Food rider matapos na hindi pagbigyan nang manghingi ito ng inuming tubig.

Nag-viral agad ang picture na galing kay Marlon DeGuzman Paunlagui sa Facebook, hinggil sa babaeng manager ng S&R habang may mga nakapila na bumibili ng pizza.

Isang rider ng Grab Food ang umorder at humingi umano ng baso ng tubig.
“Maam pwede po ba makihingi ng tubig?,” sabi umano ng rider na mabilis namang sinagot ng babaeng manager na: “Di po pwede sir for customer only lng.”

“Customer nmn po aq maam,” sagot ng hindi na nakilalang rider na agad ding sinagot ng lady manager. “Customer as delivery rider not dine in customer.”

Maraming customer ang nakarinig at nakakita sa pangyayari kaya agad na-upload ang larawan ng insidente at agad na naging viral.

“Sana maging patas ka sa lahat maam. Porket deli­very rider lng kami ang baba ng tingin mu samin mga grab ride!” reaksyon pa ng netizen sa nasabing Facebook post.

“Kapal ng mukha! Ano ka tagapagmana ng kompan­ya???” sabi pa ni Tobats 24/7.
“tubig lang?! Ssnayang mo yung pagkakataon na makagawa ka ng mabuti. may mga tao na dahil sa isang basong tubig ,maliligtas,” reaksyon naman ni Edilvice Edilvice.

“Grabe ang discrimination dito. As a manager treat all as a customer kahit batang hamog yan na nakikiinom its still a customer,” giit naman ni Paul Aquino.