Abante Tonite Interactive

Grab taxi nakaaksidente

By
0 131

Dear Atty. Claire,
Bago ang lahat ako po ay nagpapasalamat sa mga payo ninyo dahil dito marami kayong natutulu­ngan na mga kababayan po natin.

Nais ko pong humingi ng tulong dahil sa aking problema meron po akong Grab taxi na nakaaksidente. Sa aking pagkakaalam kasalanan po ng driver namin at ang isang problema po dito ay hulugan lang din ang sasakyan. Ano po ba ang mangyayari at obligasiyon ng may-ari ng sasakyan, driver at insurance sa mga ganitong kaganapan lalong-lalo na po sa dalawang nadisgrasiya at ang motor?

Sanay matugunan ninyo ang aking katanungan para po sa aking karagdagang kaalaman.
Maraming salamat po.
Eduardo

Eduardo,
Bilang may-ari ng sasakyan ay may pananagutan ka sa mga maaaring madisgrasya ng sasakyan mo kahit sino pa ang nagmamaneho nito at hindi mo maaaring gamitin bilang pagtanggi sa lia­bility na ginampanan o isinagawa mo ang “due diligence as as good father of the family” dahil bilang isang registered owner ay maituturing na empleyado mo ang driver na nagmaneho ng sasak­yan mo (Filcar Transport Services vs. Espinas, G.R. 174156, June 29, 2012, 674 SCRA, 117). Ang iyong obligasyon ay batay sa Art. 2176 kaugnay sa Art. 280 ng Civil Code of the Philippines:

Art. 2176. Whoever by act or omission causes damage to another, there being fault or negligence, is obliged to pay for the damage done. Such fault or negligence, if there is no pre-existing contractual relation between the parties, is called a quasi-delict and is governed by the provisions of this Chapter.

***

Ang driver mo ay maaaring makasuhan ng isang kasong kriminal na reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to property ay siya rin ang sisingilin para sa danyos ngunit kung hindi niya mababayaran ang civil liability ay ang registered owner ng sasakyan ang mananagot at magbaba­yad ng danyos.

Tungkol sa insurance coverage ay depende naman mo sa nilalaman ng policy mo. Kung covered ang sasakyan mo ng motor vehicle comprehensive insurance ay maaaring sagutin ng insurance company ang lahat ng danyos. Basahim mo muna kung ano ba ang nilalaman ng insurance policy mo at makipag-ugnayan na sa representative ng company para malaman mo kung hanggang saan ba ang masasagot nila.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-02-45 o 410-7624. O mag email sa attorneyclaire@gmail.com