Abante Tonite Interactive

Grab(e) talaga!

By
1,203

Mukhang Grab(e) talaga ang inaasal-kasakiman ng mga opisyal ng naturang ride-hailing agency. May tama si PBA Partylist Representative Jericho Nograles sa deklarasyon nito na binabakli ng Grab ang batas transportas­yon, pagpapatupad ng mapang-abusong (abusive) fare rate at paglalagay sa mga driver-partner nito sa alanganin.

Pakli ng Grab ay may basbas ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ng Department Order 2015-011 ng kasarinlan nitong magpatupad ng singil-pamasahe.

Zakli. Ngunit. Binigyan ang Grab ng karapatan ngunit nakasalalay pa rin, o daraan muna ito sa masusing pag-aaral ng oversight committee ng board.

Ngunit, dahil nga sa asal-kasakiman ng Grab, winaglit nito ang mga sumunod na utos-mungkahi ng LTFRB gaya ng kautusan nito noong December 27, 2016 kung saan nag­labas ito ng mga taripa, pamasahe na dapat sundin.

Nakasaad sa naturang alituntunin sa Grab ang P40 base fare; sampu (P10) hanggang katorse (P14) kada kilometro na charge o depende sa gamit ng behikulo at “price surge” na hanggang doble sa base fare.

Hindi nakasulat ang magpataw ng dalawang piso (P2) kada minutong dagdag-pamasahe at ang minimum fare nga ay P40, hindi P80 o kaya’y P125 na ipinapataw diumano sa ngayon ng Grab, pagdidiin pa ni Nograles.

Para sa kaalaman ng ating mga ka-Moto, ang Grab ay grabe. Sobra. Dahil sa halip na sampung porsiyento (10%) ang gina-Grab nito sa mga driver-partner, bente (20%) hanggang bente-singko ang gina-Grab nito.

At kahit pa 10% lamang ang ga-Grabin nito papalo pa rin sa sampung milyon (P10) ang kikitain nito kada araw. Doble o halos triple kung 25%.
Minimize naman your greed mga chief.

At heto pa.

Isinasangkalan pa ng mga grabeng pinuno ng Grab na ang problemang pinansiyal na pinagdadaanan nito sa ngayon (talaga?) ay ang mga negatibong panulat o ulat na napapaulat sa national media.

Tandaan!

Minsan, sa buhay natin, ang sobrang kasakiman ay siya ring nagpapalubog sa isang magandang simula.

‘Ika ng Depeche Mode, “the grabbing hands, Grab all they can…all for themselves afterall. It’s a competitive world…”