Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GrabFood kinuyog ng mga BTS fan

0 86

Nagngitngit ang mga Pinoy fan ng K-pop group na BTS dahil sa kumalat na screenshot kung saan binabastos umano ng ilang GrabFood rider ang kanilang paboritong grupo, pati ang LGBT community.

Sa isang tweet ni @vmindables, nilantad nito ang isang screenshot kung saan makikita ang ilang Grab rider na tinatawag na `biot’ ang BTS.

Ang salitang ‘biot’ ay katunog ng bayot, salitang Tagalog na ang ibig sabihin ay beki.

Ito ay pinost sa Facebook group na ‘Grab Express & GrabFood’, kung saan tinanong ng nag-post kung handa na ba silang mag-dayoff sa oras na ma-launch na ang BTS Meal ng McDonald’s sa Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

Kaagad namang tumugon ang Grab Philippines at sinuspinde ang kanilang mga rider na sangkot sa homophobic na pananalita laban sa BTS at mga Pinoy Armys.

“Inclusivity is one of Grab’s core values, and we have zero-tolerance policy for inexcusable behaviors,” ayon sa Grab.

“We have immediately suspended the delivery-partners in question and will continue to work hard to maintain an inclusive and diverse platform,” lahad pa ng kompanya.(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.