Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grace werpa ang gayuma

0 58

NI: NONIE NICASIO

Masarap titigan ang kakaibang alindog ni Grace Charmaine Vendiola.

Makikita ito sa kanyang Instagram post na nakasuot ng swimsuit. Ang kanyang kariktan ay maituturing na grasya para sa maraming barako!

Kahit saang anggulo pagmasdan ay umaapaw siya sa sex appeal. Sadyang kahuhumalingan ng mga kalalakihan ang tipo niya dahil sa kanyang kakaibang alindog at flawless na complexion. Tunay na sakalam ang taglay na gayuma ni Grace sa mga lahi ni Adan.

Siya ay 26 years old at former international flight attendant. Si Grace ang kinatawan ng Negros Oriental sa gaganaping Miss Universe Philippines 2021.

Mangangatog ang tuhod ng sinumang lalaking mabibistahan ang matinding porma ng dalaga.Panalong-panalo kasi si Grace sa kanyang hotness.

Makatulo-laway at yummy ang kanyang taglay na beauty. Kaya tiyak na maraming boys ang nagpiyesta ang mga mata at pinanggigilan ang kanyang kaseksihan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.