Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grade 10 niluray ng kaibigan

0 160

Nagsumbong sa pulisya ang isang Grade 10 na dalagita sa Morong, Bataan makaraan umano siyang halayin ng lalaking pinagkakatiwalaan ngkanyang pamilya.

Batay sa inisyal na ulat, nakatanggapumano ng mensahe ang 15-anyos na biktima mula sa suspek na 23-anyos na lalaki,walang trabaho at residente ng Purok 2, Brgy. Mabayo.

Inanyayahan umano siyanito na gumala gamit ang motorsiklo nito. Aminado naman ang biktima napumayag siyang sumama dito dahil hindi naman iba sa kanilang pamilya ang lalaki.

Sa salaysay ng dalagita, dinala siya ng suspek sa isang bakanteng apartment at doon siya sapilitang ginahasa. Dahil sa reklamong natanggap ngowtoridad, agad na ikinasa ng mga tauhan ng Morong Police sa pangunguna ni P/Capt. Dennis Ian Revillas ang pag-aresto sa suspek na mahaharap sa kaso. (RandyDatu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.