Abante Tonite Interactive

Grade 10 pupil nag-suicide

512

Halos himatayin ang lola ng grade 10 pupil na dalagita nang makitang nakabigti ang apo gamit ang sinturon sa bintana ng kanyang silid sa Barangay Baesa, Quezon City, Martes nang gabi.

Kinilala ni P/Capt. Juan B. Mortel, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si Issa, (‘di tunay na pangalan) 15-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Bienvenido Ribaya III, ng CIDU-QCPD, natagpuan ang nakabigting katawan ng biktima ng kanyang lola dakong alas-8:45 nang gabi (Hulyo 16).

Abante Hiring – IT dep

Sa pahayag umano ng lola ng biktima, tatawagin umano sana niya ang apo para mag-dinner subalit naka-lock ang pintuan ng silid nito.

Nang ‘di pagbuksan ay napilitan itong puwersahin at doon ay bumungad ang pagbibigti ng dalagita.

Isinugod pa sa Quezon City Gene­ral Hospital subalit binawian din ito ng buhay.

Hindi naman masabi ng lola at lolo ng biktima kung ano ang dahilan nang pagpapakamatay ng apo. (Dolly Cabreza)