Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grade 10 student dedbol sa poste

0 102

Nasawi ang 18-anyos na dalaga nang ito makurente matapos mapahawak sa nabuwal na poste ng kuryente sa Atimonan, Quezon, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ng Atimonan Police, ang biktima na si Sarah Jane Sanin, grade 10 student, taga-Brgy. Lumutan. Naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang pinsang babae, pauwi sa kanilang bahay matapos bumili ng pagkain, nang madulas si Sanin sa madamong bahagi ng kalsada.

Napahawak ito sa posteng kahoy na kinakabitan ng kuryente patungo sa isang bahay subalit dahil sa malambot ang lupa dulot ng mga naging pag-ulan ay nabuwal ang poste.

Sumampay sa leeg ng biktima ang talop na linya ng kuryente kaya agad nitong nangisay. Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit ideneklara na itong dead on arival ng doktor. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.