Abante Tonite Interactive

Grade 10 student huli sa marijuana

143

Binitbit sa pangangalaga ng pulis ang isang Grade 10 na estudyante matapos masamsam sa kanya ang pinaghihinalaang marijuana sa Barangay Bannawag, Aurora, Isabela noong Linggo.

Nakilala ang suspek na si ‘Jay’, hindi tunay na panga­lan, ng Brgy. Sta. Rosa ng nasabing barangay.

Nagpapatrulya umano ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team nang makita nila ang suspek na lulan ng motorsiklo.

Pinahinto umano nila ang binatilyo at nang pinabuksan ang kanyang sling bag ay nakita nila ang pinatu­yong dahon ng Marijauna na naka­balot sa papel.

Dahil dito ay ipinasakamay umano nila ang binatil­yo sa Aurora Police Station (APS) kasama ang mga nasamsam na hinihinalang Marijuana, dalawang vape, tatlong mamahaling cellphone, tatlong charger, isang pocket wifi, dalawang lighter at ang motorsiklo ng binatilyo para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Ayon sa APS, ililipat nila ang suspek sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development sa Aurora. (Allan Bergonia)