Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grade 11 sinaksak, binasag bungo

0 129

Pinagsasaksak na, binasag pa ang bungo ng Grade 11 student mula sa Barangay San Fermin, Cauayan City Isabela nitong Linggo.

Kinilala ng Cauayan City Police Station (CCPS) ang nasawing biktima na si Aize Rafael Dalupang, 18-anyos. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin sa krimen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita ni barangay kagawad Reynaldo Perez ang bangkay ni Dalupang sa tabi ng community center. Sinabi ng mga kaanak ng biktima, marahil inggit o babae ang dahilan ng pagpatay kay Dalupang batay na rin sa kanyang mga chat.

Ayon pa sa mga kaanak, taekwondo player ang biktima at may hinala sila na nanlaban ito sa mga suspek dahil may mga sugat siya sa mga braso. Umabot sa 15 na saksak ang tinamo nito. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.