Abante Tonite Interactive

Grade 12 nag-suicide sa Malabon City Hall

10,923

Viral ngayon sa social media ang pagpapatiwakal ng isang lalaking Grade 12 student makaraang tumalon sa tuktok ng city hall kahapon sa Malabon City.

Dead on the spot ang ‘di na pinangalanang 17-anyos na binatilyo sanhi ng tinamo nitong labis na pinsala sa ulo at katawan sa lakas ng pagkakabagsak mula sa ika-10 palapag ng city hall.

Sa paunang imbestigasyon, alas-2:15 ng hapon nang bigla na lang nagkagulo ang mga nasa bisinidad ng Malabon City Hall sa Barangay San Agustin nang lumagapak sa kanilang harapan ang katawan ng ­binatilyo.

Agad na isinugod ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6 sa ospital ang biktima pero wala na itong buhay.

Problema daw sa pamilya ang sinisilip na dahilan sa pagpapatiwakal ng estudyanteng magtatapos na sana ng high school ngayong school year. (Orlan Linde)