Abante Tonite Interactive

Grade 12 tumalon sa campus building

259

Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang isang Grade 12 na nagtangkang magpakamatay matapos tumalon mula sa 5th floor ng isang unibersidad sa Dagupan City noong Linggo ng umaga.

Ayon sa Dagupan­ City Police Station (DCPS), hindi na pinangalanan ang 17-anyos na biktima na nag-aaral sa isang unibersidad sa Brgy. Tapuac, sa nasabing siyudad.

Sa inisyal na ­impormasyon, sinabi ng DCPS na nangyari ang insidente bandang alas-11:00 ng umaga sa loob ng eskuwelahan.

Sa report ng pulis, dumaan umano ang biktima sa bintana sa may limang palapag ng isa sa mga gusali ng unibersidad at saka siya tumalon.

Agad namang naitak­bo ng ilang security personnel ang estudyante sa ospital dahil sa tinamong sugat sa katawan at mga bali sa buto nito.

Samantala, inaalam­ ngayon ng DCPS kung bakit nasa paaralan ang biktima gayong araw ng Linggo at walang pasok nang magtangka siyang magpakamatay. ­(Allan Bergonia)