Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grade 6 huli sa P7M shabu

0 573

Mahigit sa P7 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang grade 6 student na umano’y tulak ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Zamboanga City.

Sa ulat ng pulisya, umaabot sa 1.039 kilo ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Zamboanga City Police Station 10 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 sa suspek na 17-anyos at tubong-Liminusa, Sias, Sulu City.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 Sabado ng hapon nang masakote ang suspek matapos ang isinagawang buy-bust operation laban sa suspek sa kahabaan ng Fernandez st. Barangay Sta. Barbara ng nabatid na lungsod.

Matapos na magkapalitan ng pera ang suspek at ang pulisya agad na inaresto ng awtoridad ang binatilyo kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang nasabing dami ng shabu na may street value na P7, 070,640.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Police Station 10 ng Zamboanga PNP para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito habang ang mga nakumpiskang shabu ay dinala sa PNP Crime Laboratory Region 9 para sa pagsusuri at tamang desposisyon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.