Abante Tonite Interactive

Grade 6 sinaksak sa Flag-raising

By
6,581

Kritikal ang isang 13-anyos na grade 6 pupil matapos saksakin ng kanyang schoolmate sa loob ng paaralan sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Valenzuela City Medical Center ang biktima na itinago sa pangalang ‘Ramon’ dahil menor-de-edad ito, matapos magtamo ng saksak sa leeg.

Nasa kustodiya naman ng holding area ng City Social Welfare and Development Office ang suspek na si ‘Oscar’, hindi rin tunay na pangalan na ka-edad ng biktima.

Abante Hiring – IT dep

Sa panayam kina PO2 Mery Ann Ayco at SPO1 Richell Sinel ng Women’s and Children Protection Desk ng Valenzuela Police, bandang alas-5:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa compound ng Gen. T. De Leon Elementary School na matatagpuan sa kahabaan ng Gen. T. De Leon Road, Valenzuela City.

“Nagpo-formation para sa flag-raising cere­mony ang lahat ng mga estudyante para sa pagpasok sa kani-kanilang section nang mangyari ang saksakan,” ani SPO1 Sinel.

Bigla na lang daw sinugod si ‘Ramon’ ng suspek at sinaksak sa leeg na ikinagulat at ikinatakot ng iba pang mag-aaral.

Kaagad na dinala sa principal’s office si ­‘Oscar’ samantalang ang biktima ay isinugod sa nasabing pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Ayco, nakaalitan daw ng suspek ang kaklase ng biktima marahil dahil sa kantiyawan at sinabi na matapang lang ang magkaklase dahil dalawa sila laban sa kanya na nag-iisa lang.

Nabatid na dala ni ‘Oscar’ sa eskuwelahan ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.