Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grade 7-12 patuturuan kontra droga

0 186

Naghain sina Senate President Vicente `Tito’ Sotto III at Senador Sherwin Gatchalian ng isang panukalang batas na layong gawing bahagi ng mga subject ng Grade 7 hanggang 12 ang drug abuse prevention program.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2236 o ang Drug Abuse Prevention Program in Basic Education Act na inihain nina Sotto at Gatchalian, magiging bahagi ito ng subject na Health mula Grade 7 hanggang 10, Physical Education at Health sa Grade 11, at Personal Development para sa Grade 12.

Saklaw ng panukalang batas ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa ilalim ng basic education.

Sa ilalim ng panukalang batas, magiging mandato ng Department of Education, Department of Health at Dangerous Drugs Board ang pagbibigay ng training sa mga guro para sa drug abuse prevention. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.