Abante Tonite Interactive

Grade 7, 4 na beses ginahasa ng ka-eyeball

0 2,576

Isang Grade 7 na dalagita sa Tinambac, Camarines Sur ang napahamak matapos na tiwalang makipag-eyeball sa kanyang textmate na 20-anyos na lalaki.

Base sa ulat, naki­pag-eyeball ang hindi na pinangalanang biktima sa kanyang textmate na kinilalang si Jason Mendoza.

Lingid sa kaalaman ng biktima na may masama palang binabalak ang suspek sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

Nang magkita ang dalawa ay tinutukan umano ng baril ng suspek ang dalagita saka sapilitang pinasakay sa jeep at dinala sa bahay nito.

Ikinulong umano ng suspek sa kanyang bahay ang dalagita sa loob ng limang araw at doon na naganap ang apat na beses na panggagahasa sa biktima.

Pagkatapos ay pinayagan din makauwi ng suspek ang dalagita dahil hinahanap na umano ito ng kanyang mga magulang.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek dahil sa sumbong ng dalagita pero itinanggi nito ang paratang sa kanya at sinabi pa na may relasyon umano sila ng biktima.

Kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.