Abante Tonite Interactive

Grade 7 pumatay ng 15-anyos na tambay

By
2,070

Matapos na matalo sa suntukan, sinaksak at napatay ng 13-anyos na Grade 7 pupil ang binatilyong out-of-school youth (OSY) matapos na magkasagian at magkaasaran sa Quezon City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni PSupt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima na si Alvin Gonzaga Sahisa, 15-anyos at residente ng No. 2037† Ilang-ilang St., Brgy. Batasan Hills, QC. Si Sahisa ay dead-on-arrival sa Fairview General Hospital sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Ang suspek na 13-anyos na kalugar ng biktima ay itinurn-over naman sa Department of Social Welfare Development (DSWD).

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Jeorge Caculba, ng CIDU-QCPD, dakong alas-7:05 ng gabi noong Sabado nang maganap ang krimen sa harap ng isang bahay sa Ilang-ilang St., ng nasabing barangay.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen na nakilalang sina Julius Tecson at Nino Allibang, nagkasagian lamang umano ang biktima at ang suspek hanggang sa magtalo at magsuntukan. Dahil mas malaki ang biktima ay natalo nito ang suspek.

Galit na umuwi umano ang suspek at nagbantang babalik at papatayin ang biktima. Makalipas lamang ang ilang minuto ay† bumalik ang suspek at saka muling hinarap si Sahisa at sinaksak sa kaliwang dibdib.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay kusang loob namang agad na sumuko ang suspek sa kanilang barangay na siyang nagdala dito sa himpilan ng pulisya.