Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grade 8 dedbol sa trip ng 10 tinedyer

0 224

TODAS ang isang Grade 8 na estudyante matapos siyang pagtripang bugbugin at saksakin ng tinatayang sampung kabataan sa Mangaldan, Pangasinan noong Lunes.

Kinilala ng Mangaldan Police Station (MPS) ang biktima na si Kenny Fernandez, 14, ng Barangay Embarcadero, sa naturang bayan.

Ayon sa MPS, pauwi na ang biktima galing sa computer shop para tapusin ang module nang yayain siya ng kaibigan na uminom ng alak.

SM food to go Banner Ad

Matapos uminom, pauwi na si Fernandez nang harangin naman ng grupo ng kalalakihan. Sukat doon ay bigla na lang itong binugbog at sinaksak sa dibdib na siya niyang ikinamatay.

Sinabi ng pulisya na tatlong suspek ang inaresto.

Umamin ang isa sa krimen at nangatwirang hindi niya sinasadyang saksakin ang biktima.

Sinabi naman ng isa na nakursunadahan lang ang biktima. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.