Abante Tonite Interactive

Grade 8 ginahasa ng FB friend

By
1,750

Arestado ang isang 24-anyos na construction worker makaraang paulit-ulit na gahasain sa barracks ng pinapasukang construction ang isang 15-anyos na estudyante na nakilala lamang nito sa Facebook, sa Barangay Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kamakailan.

Base sa report na ipinadala kay P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, acting Bulacan provincial director, nakilala ang naarestong si Raymond Buhalog y Martin, 24, ng Sakay St., Barangay Calvario, Meycauayan City na nakapiit ngayon at nahaharap sa kasong rape matapos gahasain ang biktimang si ‘Daisy’.

Nabatid na nakilala lamang ng biktimang si Daisy ang suspek na si Buhalog sa Facebook hanggang sa imbitahan ng suspek ang dalagita noong Miyerkoles bandang ala-una ng madaling-araw na magtungo sa pinapasukang construction site sa Barangay Saluysoy, ng nasabing lungsod.

Sinasabing nagkuwentuhan ang dalawa hanggang sa makatulog ang biktima at dito na sinamantala ng suspek ang pagkakataon at kanyang ginahasa ang dalagita.
Agad na humingi ng tulong sa awtoridad ang lola ng biktima kaya nahuli ang suspek. ()