Abante Tonite Interactive

Grade 9 pinatay ng kaklaseng laging binu-bully

383

Hindi umano sinasadya ng isang grade 9 student na mapapatay nito sa suntok ang kanyang kaklase matapos mapikon ang una sa pambu-bully ng suspek na nauwi sa sakitan at pagbagok ng ulo ng biktima na naganap Huwebes ng gabi sa Talisay City, Cebu.

Takot at hindi na makapagbigay ng pahayag ang suspek na si Cegie, taga-Talisay City at ngayo’y kinasuhan ng homicide ng Talisay Police matapos masawi ang biktimang si Nash Empaces, 15, Grade 9.

Ayon kay PSMS. Alfredo Ygot Mandal ng Talisay City Police Station, nagkapikunan ang magkaklase kung saan ay tinutuksong kalbo ang biktima habang bakla naman ang tawag ng biktima sa suspek na nauwi sa sakitan.
Napuruhan umano ang biktima sa suntok ng suspek sa batok at tiyan at nabagok pa ang ulo pagbagsak sa lapag.

Naganap ang insidente bandang alas-nuwebe Huwebes ng gabi sa labas ng kanilang paaralan malapit sa basketball court.

Hustisya naman ang hinihingi ng pamilya ng biktima. (Vick Aquino)