Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grade for sale sa Malabon University kinakalkal

0 320

Pinagsusumite ni Mayor LenLeon Oreta ng progress report ang City Legal Office kaugnay sa diumano’y mga anomalya sa City of Malabon University (CMU).

“Galit na galit si Mayor Oreta at ipinatawag ang Legal para alamin kung may katotohanan ‘yung sumbong tungkol sa anomaly sa loob ng unibersiudad,” sabi ni Bong Padua, public information officer ng Malabon City Hall sa Abante TONITE.

Kabilang sa natanggap na reklamo ng alkalde na may ilang opisyal umano sa SMU ang nangingikil ng pera sa kanilang mga estudyante para makapasa. May mga tampering din umano ng mga school record na ginagawa ng ilang tiwaling professor.

“Sabi ni Mayor Lenlen tiyak na tanggal sa trabaho at kulong kapag napatunayan ang alegasyon, nadadamay kasi ‘yung mga matitinong opisyal ng CMU eh,” ani Padua.

Hinaing din ang PE uniform na kahit graduate na umano ang estudyante ay hindi pa rin naibibigay. Pati na ang paglalabas ng school identification card ay halos nangangalahati na ang taon ng klase saka lang naibibigay.

Palakasan din diumano sa unibersidad kaya kapag wala kang kakilala tiyak umano na bagsak ang grado ng estudyante kahit matalino.

Inasahan sa darating na Lunes hawak na ni Mayor Oreta ang resulta ng isasagawang imbestigasyon ng ara sa mga nasabing alegasyon at reklamo. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.