Abante Tonite Interactive

Granada ‘di umubra sa bala

130

Mistulang eksena sa pelikula ang isang anti-drug operation matapos na manaig ang bilis sa pagputok ng baril ng isang kagawad ng pulisya sa pagtanggal ng pin sa granada ng inaarestong suspek sa engkwentrong nangyari kahapon sa Quezon City.

Kasunod ng nasabing tagpo ay bangkay na bumulagta ang umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga na nakilala sa alyas ‘Henry’.

Nauna dito ay nakita umano ng suspek ang presensya ng mga pulis at akmang tatanggalin nito ang safety pin ng bitbit na granada, naging mabilis ang aksyon ng mga awtoridad at pinuntirya ang suspek.

Bukod sa napatay na tulak ay arestado rin ang siyam na iba pang mga suspek na kinabibila­ngan ng tatlong kababaihan na pawang naaktuhan sa isang drug den sa Don Antonio Subdivision, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang granada at drug paraphernalia.