Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Granada, bala tinanim sa gitna ng kalsada

0 335

Nabalot ng tensyon ang mga residente matapos matagpuan ang isang granada at anim na bala kamakalawa sa center island ng Moriones St., Tondo, Maynila.

Isang concerned citizen ang nagsumbong sa Manila Police District – Station 2 kaya inutos ni P/Lt.Col. Magno Gallora Jr., Station Commander na ikordon ang lugar.

Itinawag rin sa MPD Explosive and Ordnance Division ang nakitang granada at mga bala.

Gayunman nadiskubreng replika lang ang isang hand grenade pero tunay ang anim na bala.

SM food to go Banner Ad

Alas- 5:25 ng hapon nang matagpuan ang umano’y granada at mga bala sa loob ng puting plastic bag.

Isang lalaki umano ang nakitang naglagay nito sa center island ng Moriones St. sa Jose Abad Santos St.

Inaalam ng pulisya na kung may kaugnayan ito sa pagkamatay ng isang 14-anyos na binatilyo nang sumiklab ang gang war sa lugar matapos itong mabaril sa ulo ng isang kaanib ng Batang City Jail. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.