Abante Tonite Interactive

Grand Boulevard Hotel nasunog

630

Nasunog ang ikalawang palapag ng Grand Boulevard Hotel matapos matalsikan ng baga ang styrofoam na naka­kabit sa hotel kahapon ng umaga sa Roxas Boulevard, Malate, Maynila.

Masuwerte namang nakalabas agad ng gusali ang mahigit 20 manggagawa na nasa loob.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-nuwebe ng umaga sa ikalawang palapag ng gusali.

Isang trabahador umano ang noo’y nag-a-acetylene para sa pagputol ng ilang parte ng gusali nang aksidenteng tumalsik ang baga sa styrofoam na nagdulot ng makapal na usok sa ikalawang palapag ng gusali.

Ang gusali ng Grand Boulevard Hotel ay under construction at sinasabing gagawing isang condominium o residences.

Alas-10:27 naman ng umaga nang ideklarang fire out ang sunog.
Wala naman iniulat na nasawi o nasaktan sa nabanggit na sunog. (Juliet de Loza-­Cudia)