Abante Tonite Interactive

Grand Lotto jackpot ₱211M na

By
215

Aabot na sa P211 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 sa magaganap na draw sa Sabado.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa ring nakakadale sa naganap na bola noong Miyerkoles na may winning combination na 47-12-22-52-21-55 at jackpot prize na P205,719,452.00.

Samantala, mayroon namang 14 mananaya ang nakatumpak ng limang numero sa six-digit winning combination at mananalo ng P105,540.00 bawat isa.

Matatandaang ang Grand Lotto 6/55 ay napanalunan noong Setyembre ng nag-iisang mananaya mula sa Barotac Nuevo, Iloilo na nanalo ng P53.4 milyon.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.