Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grant in, Harden out sa US quintet

0 85

Kumpleto na ang roster ng USA men’s basketball na isasagupa ni coach Gregg Popovich sa Tokyo Olympics sa susunod na buwan.

Si Jerami Grant ang huling player na nag-commit sa 12-man team.

Mula kay Shams Charania ng The Athletic:

“Team USA’s 12-man roster for the Tokyo Olympics: Kevin Durant, Damian Lillard, Bradley Beal, Jayson Tatum, Devin Booker, Zach LaVine, Kevin Love, Bam Adebayo, Draymond Green, Jrue Holiday, Khris Middleton, Jerami Grant.”

Si Grant ang pumalit kay James Harden na nag-back out habang nagrerekober mula hamstring injury na pumigil sa kanya sa playoffs.

Walang Stephen Curry, LeBron James at Anthony Davis ang roster.

Sina Durant, Love at Green ang veterans sa Tokyo.

Gold medalists sa 2012 London Games sina Love at Durant, teammates sina KD at Green sa champion squad noong 2016 Rio.

Nasa West finals si Booker at Phoenix, gayundin sina Middleton at Holiday ng Bucks sa East. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.