Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Grant pinalamig Heat

0 102

Pinahaba nina Jerami Grant at Derrick Rose ang losing streak ng Miami sa tatlo.

Umiskor si Grant ng 24, umayuda ng 23 off the bench si Rose at pinulbos ng Detroit Pistons ang reigning Eastern Conference champions Heat 120-100 sa 2020-21 NBA regular season game sa American Airlines Arena sa Florida Sabado ng gabi.

Kumaripas ang Pistons sa third quarter nang ma-outscore ang Heat 38-19 – biggest margin ng Detroit sa isang quarter sa nakalipas na 331 quarters o sapul noong April 9, 2019.

Nagdagdag si si Blake Griffin ng 15 points sa Pistons.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bumandera sa Miami ang 28 points ni Bad Adebayo, may 22 pa si Duncan Robinson.

Hindi naglaro sa Heat sina Jimmy Butler at Avery Bradley dahil sa coronavirus issues, Tyler Herro (neck) at Meyers Leonard (shoulder).

Napigil ang selebrasyon ng Pistons sa locker room nang sabihan silang mag-test muli.

Balik sila sa court, pumuwesto sa isang sulok ng arena para tapusin ang testing. Pati ang Heat ay sumailalim sa postgame tests.

“It’s part of our new NBA,” ani Detroit coach Dwane Casey. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.