Abante Tonite Interactive

Grave threat vs Trillanes diringgin na sa Peb. 15

By
212

Itinakda na ng Pasay City Metropolitan Trial Court (MTC) ang pagdinig sa kasong grave threat na isinampa ni Labor Undersecretary Jing Paras laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sa Pebrero 15 (Biyernes) ng alas-8:30 nang umaga ang arraignment at preliminary conference sa sala ni Pasay City MTC Judge Joven Dellosa ng Branch 47.

Base sa kautusan na nilagdaan ni Pasay City MTC Judge Dellosa, nakasaad na dapat maghain ng counter affidavit ang kampo ni Trillanes sa loob ng 10 araw pagkatanggap ng order.

Habang bibigyan din nila ng pagkakataon ang prosekusyon na maghain ng reply affidavit sa loob ng 10 araw pagkatanggap ng counter affidavit ni Trillanes.

Samantala, submitted for resolution ang inciting to sedition na una nang isinampa ni Paras kay Trillanes sa Prosecutor’s Office.

Base sa rekord, nag-ugat ang kaso nang harapang kastiguhin ni Trillanes si Paras sa gitna ng Senate Session Hall.

Ayon kay Paras, apat na beses siyang pinagbantaan ni Trillanes sa loob lamang ng 30 minuto.