Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gray, TNT hari ng 3×3

0 38

Kumontak si Jeremiah Gray ng 11 points nang alpasan ng TNT ang Meralco sa sister-team finals, 21-18, upang magkampeon sa 1st Philippine Basketball Association 2021 Lakas ng Tatlo (3×3) first leg sa Ynares Sports Center sa Pasig City Linggo ng gabi.

Nakatuwang ng 25-year-old, 6-foot-5 Fil-Am guard/forward sina Samboy De Leon na may apat na puntos, Almond Vosotros at Lervin Flores sa pagwalis ng Tropang Giga sa pitong oposisyon patungo sa trono at kubrahin ang P100K cash prize.

Unang dinaig ng TNT ang Purefoods TJ Titans sa semifinals, 29-16, para mag-finals habang kinuryente ng Bolts ang Platinum Karaoke, 18-14, sa isa pang Final Four game.

Nakuntento ang Meralco na pinangunahan ng eight markers ni Tonino Gonzaga sa P50K.

SM food to go Banner Ad

Kinopo naman ng Purefoods sa likod ng walong puntos ni Joseph Eriobu ang tersero puwesto at ang P30K sa pagtimbog sa Platinum, 21-16.

Ito ang back-to-back championship ng Tropang Giga makalipas na pamayagpagan din ang 46th PBA 2021 Philippine semi-bubble sa Bacolor, Pampanga nitong Oktubre lang.

Nakatakdang magbukas naman ang 2021-22 Governors’ Cup sa Disyembre. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.