Abante Tonite Interactive

‘Great Wall’ titibagin ni Jordan, Pilipinas wish ng Pinoy!

By
967

Markado sa men’s basketball team ng China ang dalawang NBA players na sina Houston Rockets center Zhou Qi at Dallas Mavericks forward Ding Yanyuhang.

Pero may isa pang higante ang Asian powerhouse, si Wang Zhelin.

Itinuturing ang 7-footer na si Wang bilang isa sa future stars ng Chinese basketball.

Noong 2016 NBA draft, kinuha ng Memphis Grizzlies ang 24-anyos na si Wang sa second round.

Sa pangunguna ni Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson, susubukang tibagin ng Team Pilipinas ang Great Wall mamaya sa 18th Asian Games men’s basketball competitions sa Jakarta.

Alas-5:30 nang hapon (oras sa Manila) ang tip off.

Dehado sa height ang Filipinos, sinabi ni coach Yeng Guiao na gagamitan nila ng bilis ang Chinese.
At siyempre, si Clarkson na ayon sa national coach ay ‘sobrang bilis’.

“He’s incredibly quick, fast and he’s got quick reflexes,” ani Guiao kay Clarkson. “On a match up situation, hindi ko alam kung sino itatapat ng China sa kanya.”

Tutok ang mata kay Clarkson, pero sinabi ng Fil-Am na mas dapat naka-focus kung paano maglaro nang sama-sama ang PHL team.

“We have to compete, step on the floor. We don’t have to worry about China, we have to worry about ourselves, execute our game plan,” giit ni Clarkson. “Do whatever coach tells us to do, share the ball, play fast.”