Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Green, 2 pa agawan sa Defensive Player Award

0 283

Sina Rudy Gobert ng Utah, Draymond Green ng Golden State at Ben Simmons ng Philadelphia ang finalists sa Defensive Player of the Year award ng NBA.

Dominante sa depensa buong season si Gobert, pero naungusan siya ni Myles Turner ng Indiana sa blocked shot title.

Naka-dalawang DPOY na si Gobert. Sina Dikembe Mutumbo, Ben Wallace at Dwight Howard pa lang ang nakaka-tatlo o higit pa sa NBA.

Si Green ang angkla ng depensa ng Warriors, madalas point-forward at minsan point-center pa. Pero halos wala si Green sa top 5 sa lahat ng defensive aspects.

Mainam na on-ball defender si Simmons, kaya niyang depensahan mula point guard hanggang center. Madalas, sa kanya tinotoka ang pamato ng kalaban. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.