Abante Tonite Interactive

Green Archers luhod kay Tchuente, Tams

372

Nakakabugalang kinubabawan ni Patrick Tchuente at Far Eastern Tamaraws ang La Salle Green Archers, 66-55, sa third and final game Miyerkoles nang gabi sa 82nd UAAP seniors basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

Umusok ang Cameroonian ng 19 points, 11 rebounds at 2 blocks kaagapay si Wendell Comboy na naka-11 markers, 2 boards at 1 assist sa balik win column ng FEU at kumapit sa 5th spot sa 2-2- win-loss record.

Sobrang pagmamalaki ni Rodericko Cesar ‘Olsen’ Racela sa kanyang mga alipores sa lumamang ng 14 puntos sa game saka nakalapit sa anim ang karibal bago humarabas si Wendell Comboy ng lima sa pitong puntos para maselyuhan ang upset win.

“I’m just proud of the way we played today coming off that loss to Ateneo. It just showed that the competition this season is so balanced at ‘yung lahat ng teams are capable of winning at any given moment, any given time,” suma ng Morayta-based coach.

“I’m just happy with the way we responded today especially coming off that loss.”

Bitin ang 20 pts., 15 rebs., 3 feeds at 1 stl. ni Jamie Malonzo at 10 pts., 2 asts. at 1 reb. ni Andrei Caracut para sa mga basketbolistang taga-Taft na lasap ang kambal na dagok at malaglag sa 7th slot.

Nagida naman ulit si Kobe Lorenzo Para sa ika-2 ragasa ng UP Fighting Maroons (3-1) kontra NU Bulldogs (0-4), 80-79, at binuhat nina Jerrick Ahanmisi at Val Chauca ang Adamson Soaring Falcons (3-2) laban sa Sto Tomas Growling Tigers (3-2), 78-71. (Janiel Abby Toralba)