Abante Tonite Interactive

Green calisthenic, jogging ang peg

0 371

Maganda para sa NBA players na magkaroon ng break bago matapos ang regular season para makapag-recharge.

Kailangan din nilang ipahinga ang mga tuhod, lalo na ang mga veterans. Isipin na lang ang sasalangang 82 games bago ang postseason.

“A week or two can be great, just like All-Star break,” ani Lakers guard Danny Green kay Lakers reporter Mike Trudell kamakalawa (kahapong oras sa Maynila). “A nice reset to get your legs back under you, get fresh.”

Pero ibang usapan na raw kung matagal-tagal na tengga tulad ngayong hindi sigurado kung kailan itutuloy ang sinuspindeng 74th season dahil sa coronavirus.

Kakalawangin ang players, sa madali’t sabi.

“Once that (break) extends to three weeks, four weeks or more, that’s where things get tricky,” dagdag ni Green. “You start losing your rhythm.”

Dahil bawal din silang pumunta sa gyms, kanya-kanyang paraan ang players para manatili sa kondisyon. Si Green, dahil malapit ang bahay sa beach ay tumatakbo-takbo. Calisthenics rin daw ang ehersisyo niya.

Pero iba pa rin ang 5-on-5 basketball game. Hindi nakukuha sa simpleng training o takbo lang.

Sakaling ituloy ang season at tatalon na agad sa playoffs, kakailanganin pa rin nila ng 5-on-5 tulad ng summer camp o tune-up games.

“I think we’d need at least five games of the regular season to just get us our flow back. Get our legs back under us, get some kind of rhythm, get our chemistry, get our team back,” paliwanag niya. (VE)