Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Green, House patok ang tambalan

0 59

Click ang tandem nina No. 2 pick Jalen Green at veteran forward Danuel House sa mga pick-up game ng Houston Rockets.

Sa intra-squad scrimmages bago ang Sept. 28 opening ng training camp, angat sa ibang grupo ang team nina Green, House, rookie big Alperen Sengun at second-year forward Anthony Lamb.

Mula kay Kelly Iko ng The Athletic nitong Linggo:

“Sources say the Green-House-Sengun-Lamb team has been dominating. Green and House have played well off each other, which bodes well for the weeks ahead.”

Related Posts

Nagbagong bihis ang Rockets, inaasahan ang Fil-Am newcomer na si Green ang isa sa mangunguna sa kampanya sa kanyang rookie season.

Mainam na playmaker at passer si House, swak kapag naglaro off-the-ball ang 19-year-old na si Green.

Isa na lang ang hindi nadedesisyunan: Kanino ang jersey No. 4.

Kursunada ni Green ang 4, type din ni House. Pero mas malamang magparaya ang rookie para sa kanyang veteran teammate. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.