Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Green, Rockets olats sa Mavs

0 89

Ayaw makisama ng rim sa Dallas kay Jalen Green, at tumukod ang Houston sa Mavericks 116-108 sa 2021-22 NBA game sa American Airlines Center sa Texas Martes ng gabi.

Diyeta sa 10 points at 2 for 9 sa labas ng arc ang 19-year-old, 6-foot-4 Fil-Am shooting guard, No. 2 pick ng Rockets noong draft, matapos umiskor ng 30 mula 8 for 10 shooting sa 3s kontra Boston sa huling laro.

Naipanalo ni coach Jason Kidd ang una niyang home game sa Dallas sa likod ng 26 points, 14 rebounds at 7 assists ni Luka Doncic. May tig-16 markers sina Tim Hardaway at Reggie Bullock.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May black eye si Dallas forward Kristaps Porzingis, isa lang ang pumasok sa unang siyam na tira at nang mahulog sa net ang unang 3-pointer ay inilabas na.

Bago ang laro ay desidido na si Kidd na paglaruin lahat ang nasa 15 active roster kabilang si 7-foot-4 crowd favorite Boban Marjanovic na nagsumite ng 11 points at 4 rebounds. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.