Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Green, Rockets takas sa 15 olats

0 23

Tumikim din ng panalo si Fil-Am Jalen Green at Houston, malaking isda pa ang nabingsit para kalsuhan sa 15 ang losing streak sa 2021-22 NBA regular season game.

Umiskor ng 18 points si Danuel House, may 16 points at 10 rebounds si Christian Wood at itinumba ng Rockets ang Chicago Bulls 118-113 Miyerkoles ng gabi sa Toyota Center sa Houston.

Hindi lang natapos ng second pick overall na si Green ang laro, matapos umiskor ng 11 sa first quarter ay lumabas dahil sa leg injury. Hindi na nakabalik.

SM food to go Banner Ad

“Great. Unbelievable. Excited,” litanya ni House, ibinuhos lahat ng puntos sa second half matapos mabangko sa first 24 minutes.

Kumalas ang Rockets sa 35-18 scoring sa third quarter nang magpakawala ng 8 for 11 3-point shooting bago tinapos ang laro sa 17 3s. Balanse ang scoring ng Houston, walo ang nagsumite ng 10 pataas.

Kumasa ang Bulls sa 28 points ni Zach LaVine. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.