Abante Tonite Interactive

Greenpeace, DENR kontrapelo sa basura ng Australia

296

“Ang basura ng Australia ay naiproseso bilang gasolina.“

Ito ang ipinarating na paliwanag ni Department of Environment and Na­tural Resources (DENR) Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny Antiporda kaugnay ng nakapasok na ‘trash shipment’ ng Australia sa Mindanao International Container Terminal sa Misamis Oriental na naka-consign sa Holcim Philippines Inc.

Ayon kay Antiporda, ang nasabing basura ay napoproseso bilang engineered fuel na ginagamit ng mga cement factories para makakuha ng mas mataas na temperature sa paggawa ng semento.

Ayon pa kay Antiporda, kilala ang bansang Australia sa alternative fuel. At ang ash o abo umano ay ginagamit bilang raw materials sa paggawa ng semento
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), pitong container vans na may shredded municipal waste ay naharang sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental.

“Ito ang nakapasok sa ating basura galing sa Australia. Kayo ang humusga kung ito ba ay makabubuti o hindi sa ating bayan, straight from Australia,” ani John Simon, BOC collector.

Ang broker ng shipment ang siya ring huma­hawak ng transport ng tone-toneladang basura galing ng South Korea patungong Tagoloan noong Hulyo at Oktubre 2018.

“The intercepted shipment was declared as processed engineered fuel (PEF) and municipal waste. Its consignee was Holcim Philippines Inc.” sabi pa nito.

Ayon sa Holcim ang PEF, ay gumagawa ng processed trash, bilang alternatibong gasolina na ginagamit sa paggawa ng semento.

Nagpalabas umano ng ‘letter of no objection to the shipment’ ang DENR at nasa desisyon na umano ng Department of Energy kung aaprubahan ang shipment.

“May kaukulang kakulangan na kaalaman ang mga humarang dito,” ani Antiporda.

Magugunita na ang Environment Advocacy Group na Greenpeace na dapat i-ban ang pagpasok ng lahat ng uri ng hazardous waste kabilang na dito ang mga “ under guise of recycling”.

“The Australian trash in Misamis Oriental is unacceptable, reprehensible and deplorable. Why do we need to repeatedly remind the world that we are not a garbage dump? Illegal waste dumping to developing countries should be stopped at all costs. We refuse to be treated as rich countries’ trash dumps,” ayon kay Abigail Aguilar, cam­paigner for Greenpeace Southeast Asia-Philippines sa isang pahayag. (Riz Dominguez)