Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Greenwoods homeowners eleksiyon binasura ng DHSUD

0 154

Ni Nancy Carvajal

Pinawalang-bisa ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) ang eleksyon ng pinakamalaking homeowner’s association sa Metro Manila na ginanap dalawang taon na ang nakalipas o wala pang dalawang buwan bago ang nakatakdang halalan nito noong Disyembre 2019.

Batay sa desisyon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) adjucator na inilabas noong Setyembre 23, dineklarang walang bisa ang eleksiyon kina Diego Berones, Teodoro Ocampo, Noel Mendoza, Romeo Naga, Danilo Amul, Delma Fetalvero, Joel Javier at iba pa bilang mga opisyal ng Greenwoods Executive Village Homeowners Association, Inc. (GEVHAI).

“Wherefore, premises considered the election of Greenwoods Executive Village Homeowner Association, Inc. (GEVHAI) conducted on December 1, 2019 is hereby declared null and void for disqualifications made in violation of the Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations,” ayon kay DHSUD adjudicator Atty. Joel Clamor sa desisyon nito noong Setyembre 23, 2021.

Malawak ang sakop ng GEVHAI na may 10 lugar sa tatlong siyudad ng Pasig, Cainta at Taytay, at tinatayang kumikita kada taon ng hindi bababa sa P100 milyon mula sa buwanang butaw ng mga homeowner at iba pang koleksiyon katulad ng construction fee, sticker, water provider at iba pang serbisyo.

SM food to go Banner Ad

Pinanggagalingan din ito ng malaking boto ng mga lokal na politiko dahil kada lugar ay mayroong mahigit 1,000 sambahayan, ayon sa mga matatagal nang nakatira sa village.

Nag-ugat ang desisyon ni Clamor sa reklamong inihain ng residente na si Kenneth Mark Garcia na na-disqualify ng election committee sa pagtakbo bilang chairman ng Area 1 dahil umano sa hindi pagbabayad ng buwanang butas o monthly dues.

“The magnitude of disenfranchisement is sufficient to declare the election held on December 1, 2019 null and void,” saad sa desisyon ni Clamor.

Inutos din ni Clamor sa kanyang desisyon na magkaroon ng panibagong eleksiyon habang nakabinbin pa ang pinal na pagpapasya sa usapin na puwedeng iapela ng grupo nina Berones.

“The election committee is hereby directed to call for another election within a period of thirty days from finality of this decision observing the Covid-19 Inter- Agency Task Force protocols. The said election shall be under the (DHSUD) NCR HOA Division. The Election Committee is directed to coordinate with DHSUD NCR HOA Division in the conduct of the election,” ayon pa sa siyam na pahinang desisyon ni Clamor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.