Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Greg ‘di puwede palampasin – Pido

0 213

Maraming nagsasabi, lugi ang NorthPort sa Christian Standhardinger-Greg Slaughter trade.

Ibig sabihin, mas nakinabang ang Ginebra sa pagdating ni Standhardinger?

Ayon sa mga miron, dapat may isang player pa o draft pick NA isinama ang Gin Kings sa package.

Pero inaprubahan ng PBA trade committee ang one-on-one swap, pasado sa kanila.

Ipinahayag naman ni Pido Jarencio na hindi mapapalampas ng NorthPort na makuha sa Ginebra ang seven-foot center.

SM food to go Banner Ad

“In the last season, we were outrebounded so with Greg around, I’m certain that we have now an inside presence. He can intimidate,” rason ng Batang Pier coach sa pag-swap sa Fil-German kay Slaughter.

“With Greg, I believe we can go up against the best teams because Greg can shoot from the perimeter and attack the basket,” aniya pa sa former Ateneo star, na maaring mag-30-35 minutes ang average per game sa team.

Hinirit ni NorthPort owner, 1Pacman partylist Rep. Mikee Romero, na pabor sa magkabila ang trade.

Masipag, kayod-kalabaw si C-Stan sa Batang Pier na halos 10 minutes lang ang pahinga sa 48-minute regular game noong nakaraang Philippine Cup sa Clark bubble.

Nag-average ang 6-foot-8 Fil-German ng 19.9 points, 12.0 rebounds, 3.8 assists. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.